"Moonriver
Wider than a mile
I'm crossing you with style
Someday
Oh, dream maker
You heart breaker
Wherever you're going
I'm going your way"

-Breakfast at Tiffany's

.starsliestarsbite

4.23.2008

akalain mo nga naman, namamayagpag na ang CALOOCAN!!!

Sa tinagal-tagal din ng existence ko sa mundong ibabaw, matagal ko ng isinumpa ang kalayuan ng Caloocan sa sibilisasyon (North Calooccan ako ah!), kahit san mung destinasyon pumunta, malayo sa lahat. Pero hanep sa advancement si Mayor! Eto ang istorya...

Habang ako ay nasa office sa Mandaluyong, pinapa-edit na naman ako ng mga sagot ng mga candidates para mas okay daw, feeling journalist/ pr na naman ako na parang nagbebenta ng mga natural landmarks ng bawat lugar ng mga candidates. O, di A, B, tapos C na. Caloocan. Naghahanap kasi ako ng website kung saan ako pwedeng mangodigo ng mga pambentang chorva, tapos hinanap ko Caloocan, to my sooprays!!! pucha! my website na kami!! yeah!! and in fairness ok naman xa, puro smiley-ng my bigote lang (emoticon ni mayor). haha!! at puro Recom this and that, basta, amazing pa din!! kulang na lang ang tourism page, sayang naman ang turismo namin, madami ata kaming kalsadang bagong semento noh!! =) pero, hindi ako kritiko, from the bottom of my heart, masaya akong umuusad na ang Caloocan when it comes to information technology, unti na lang magyayabang na kong taga-Caloocan ako.. =) haha!!!

oooooohhh..encadre.. =)

1 comments



4.22.2008

OJT, the best! =)

hmm..matagal akong nanahimik ah at hindi man lang ako bumabanggit ng OJT ko gaya ng mga taong nasa links ko.

Wala ng mas gaglamorosa pa sa ojt na pageant ang hawak na event. hmm..event kasi ang mas gusto kong pasukin, production. Kahit kasi pagod ka, may satisfaction kang makukuha, unlike others na eclavu lang. Well, glamorosa nga, i always have a choice here in the office. Parang baby ako dito, haha!! kasi naman if I want to come to events, i can. Backstage pass na yun sa mga nagagandahang girls at mga cute na little girls. Pero if i want to stay here in the office and do sponsorships and advertising, i can, too. Galing! E, events lang naman ang pinasok ko dito, originally pero still i am doing advertising ang marketing. Parang AA lang. Pero para sakin mas okay, kasi this time, pumapayag na silang mag-sponsor, hindi nila ako minamaliit, haha! Ako lang ata sa AA ang masaya at gusto ang marketing, hmm..joke si buddy-in-law, Klaris din pala. So, far, nilalagay ko sa notebook ko ang mga nagawa ko na sa Carousel Productions, Inc. and take note, sixth day ko pa lang, mga 50 hours pa nga lang ang naaccumulate ko eh.. =)

1.Nag-schedule ng pictorial for print/magazine ads. CHECK.
2. Nag-tawag sa ABS-CBN for guestings ng mga candidates. CHECK.
3. Umepal sa pag-decide ng layout ng "prestigious" calendar namin. CHECK.
4. Nag-encode sa nose-bleeding na sagot ng mga candidates regarding environmental issues. CHECK.
5. Napakialaman ang "blue book". CHECK. (Marketing person's dream!)
6. Tumawag sa mga press for press releases. CHECK. (soon for presscon naman!)
7. Sumama sa 2 out-of-town mall tours. CHECK for Sta. Rosa. CHECK for Angeles (na soooo much drama!).
8. Nagkabit ng streamers, standees sa mga mall tours. CHECK for Sta. Rosa. CHECK for Angeles (na soooo much drama!).
9. Nagdistribute ng mga outfit ng mga candidates from sponsors. CHECK (ooh! exciting!)
10. Naging pasweet na PA. CHECK.
11. Nameet at nakibonding sa mga candidates at mga reigning sa backstage. CHECK (yeah!)
12. Nakipagpichuran with them. CHECK 50x.
13. Kumain ng libre sa Red Panda. CHECK (isponsor!)
14. Nakakuha ng gift certificates from Potato Cuddler worth P800. CHECK.
15. Nagbaon ng madaming Kopi-bun ng Kopiroti. CHECK.
16. Tumanggi sa gift certificate from a waxing salon (Bare Lay ba yun o Lay Bare, forgot sorry), na inaalok sa akin ni Ate My. CHECK (wala naman akong iwawax!).
17. Nakaipon ng freebies from Miss Earth Philippines. CHECK.
18. Gumawa ng mga marketing letters for other sponsors. CHECK (thanks AA!).
19. Natutong mag-fax. CHECK (dukha much!).
20. Sumagot ng tawag at nagcheck ng email, kailangang replyan. CHECK 20x.
21. Tumawag sa repair ng Internet at Xerox machine. CHECK.
22. Gumamit ng xerox machine. CHECK.
23. Laging hinahanap si Ate Maica pero hindi nakikita. CHECK.
24. Laging nakikita si Michelle Oblea kahit hindi hinahanap. CHECK.
25. Forever bet si Miss Dipolog dahil maganda na, mabait pa. CHECK.
26. Sumunod na bet ang maharot pero mabait na si Miss Balayan. CHECK.
27. Nag-tally ng score ng mga candidates ng Lil Earth Angels. CHECK.
28. Nalungkot dahil hindi makakasama sa Enchanted Kingdom for Lil Earth Angels Finals. CHECK.
29. Nakakausap ang mga magaganda kong boss, Si Mam Lorraine Schuck (artista sya dati sabi ni ma) at Mam Peachy Veneracion (Mutya ng Pilipinas World 1977, tinatawag niya kong Estar Querubim, hindi ko lam kung bakit), at mga reigning tulad ni Ate Cathy Untalan (Miss Phil-Earth 2006), Ate Sarah Minoza (Miss Phil-Fire 2007), at actually lahat magaganda dito, bababa talaga ang self-esteem mo!

Nakalimutan ko na yun iba, kung meron pa man. Ayun, masaya ako sa OJT ko. Madami pa kong gustong gawin at samahan. Yey!

Newei, nabilhan na ko ng digicam, si Mylo. Kaya malapit na kong magka-multiply to post my peechurs ng mga nagagandahang candidates! Yebah! =) Para sakin, gaya ng iba, da best ang OJT ko, dami ng free, dami pang pretty, galing pa ng events at marketing. Sabi ng ni Mang Carlits (sya yung cameraman), kailangan ko din daw makahawak ng camera at maka-edit para sa course ko, pagnangyari yun, sobrang galing na ng OJT na yun, andami ko ng naexperience.

1) Events
2) Marketing
3) Advertising
4) TV Production
5) Post Production

Yeah! Galing ko na nun! magbuhat ka pa ng bangko, girl. =) ayun, nag-update lang. =)

0 comments



4.11.2008

Sa Kapirasong Papel Lang Ba Nakasalalay Ang Pagkatao Mo?

Sorry for the melodramatic title. Sobrang pissed lang talaga ako today, actually ngayong mag-gagabi na lang. Ganito kasi, my day started okay, I'm super ready to at last open my OWN bank account, na hindi ATM, as in my passbook. Ang aga ko pa gumising, para hindi ma-hassle sa haba ng pila ng bangko. Pero pagdating namin ng achie ko dun, I WAS EFFING DECLINED. Bakit kamo? Well, I do understand na may point naman etong si girl, kasi she won't accept my IDs, yung isa official government ID ko naman yun, ok na, yung sumunod, UST ID ko, hindi daw pwede kasi nga tapos na ang second sem, e since kailangan, TWO valid IDs, hindi ako pwedeng mag-open dahil nga sa kasong hindi ko naman kasalanan. So, tinanong namin ni Achie kung anu bang dapat na IDs na pwede pa, na tinanong na namin noon, para lang clear. Passport daw (*isip* wala ako nyan, kasi hindi ako maka-apply dahil wala akong Birth Certificate na valid), SSS ID daw (*isip* hmm..wala din ako nyan dahil hindi pa naman ako nagtratrabaho at kung pwede mang kumuha, hindi din pwede dahil wala akong Birth Certificate!) So, ayun, hindi na lang, kumain na lang kami at namasyal sa mall kung nasan ang Chinabank (yun yung bangko!). So, anu nga ba talagang problema ko?! Ito lang yun..

WALA AKONG BIRTH CERTIFICATE!!!

Ngayon, ikikwento ko sa inyo ang masalimuot kung buhay kung bakit wala akong birth certificate. July 28, 1988, its a girl! Dahil sabik akong lumabas sa mundong ibabaw, hindi na ko naka-abot sa ospital. Pinatawag ng lola ko ang kapitbahay nya na kumadronang bestfriend, meaning sa bahay lang ako pinanganak. Sa bahay ng lola ko sa Valenzuela. Ayun, so si Mommy Jo lang ang naglakad ng birth certificate ko, yun yung tawag ko dun sa kapitbahay/kumadrona/ bestfriend ng lola ko. So, ayun, half my life, nabubuhay ako sa malabong copy ng birth certificate ko, ayos naman. Hanggang isang araw, narealize na lang namin na nawawala si original copy na malabo na nga, imaginin nyo pa ang mga copies nun, at take nun, wala pang Laser Xerox dati. Anywho, so hindi na pwedeng i-reproduce ang hindi original. Ayon, kelan lang nag-ayos na ng passport ang pamilya namin, hindi ko alam kung bakit, may balak ata silang mag-abroad, ako, hindi maayos dahil wala akong malinaw na birth certificate. Hindi ako maka-move on sa buhay ko dahil sa kapirasong papel. So, inaya ko na si Pa at Ma, na pumunta ng NSO, which ginawa naman nila, only to find out na pucha! hindi pala ako nag-eexist, wala daw copy ang NSO ng birth certificate, which is weird kasi dati nakakuha naman na kami! I tried to search the net, in fairness, online pwedeng mag-request, ang problema, I have doubts of paying a P300 processing fee, tapos mamya wala naman ako sa records. So, ayun, dun ko nalaman na hindi pala talaga ako living, breathing Pinoy, according sa NSO. Ang masakit nyan, wala na kong pwedeng malakad na papers without the effing birth certificate!

HINDI NA NGA AKO NAG-EEXIST, HINDI PA KO MAKAKAPUNTA NG IBANG LUGAR, MAKAKA-LOAN, AT KUNG ANEK-ANEK!!! AND ALL BECAUSE OF ONE LOUSY PAPER NA SUPPOSEDLY THE PROOF OF MY EFFING EXISTENCE. PUCHA!!!

Sa, sobrang inis ko, nabuhay tuloy ang blog ko! Isasara ko na sana to open a multiply account. haaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaayyy...buhaaaaaaaaaaaaaaaaayy.. =(

11 comments



12.02.2007

at random

so far, so good.

i survived the 1st month of 2nd sem. four months to go. plus christmas vacation pa. hmm..tumatanda na ata ako, parang madali na kong mapagod. pagpasensyahan ang lola, kailangan ata ng stresstabs.
anyway, kahit may sakit ako kanina, bumangon pa din ako para sa usapan naming ililibre ko si achie ng movie. sandali lang din naman kami sa mall kanina. we watched ENCHANTED! ok sya, funny. ang cute ni McDreamy. ibang level ang energy ni Princess Giselle, parang tumungga lang ng 5 gallons ng bacchus energy drink. syempre part na ng buhay naming mag-ate na everytime we watch movies, hihintayin namin yung trailer. next movie to watch, the bucket list, directed by rob reiner, starring jack nicholson and morgan freeman. cast pa lang umaariba na.
haay, sa four days na long weekend, wala man lang akong nagawa sa buhay ko kundi rumatay sa aking sick bed. buti pa ang military tank nakadulot ng malaking pagbabago sa manila pen, ang dingdong na kinakain ko hindi man lang nagbigay ng enlightenment sa kung anung patutunguhan ko sa adver campaign na dapat ay ginagawa ko. BS! tapos narealize ko din na next week is another hell week:
dec. 3
>Rizal at Blumentritt ticket booth
>COMELEC GA
dec. 4
>sana maging happy man lang ako kahit this day lang for this whole week. :D
dec. 5
>deadline ng 1,750 audience ko. good luck! malayo-layo pa ko sa tugatog na tagumpay.
>Pol Dy (dapat talaga kasama to!)
dec. 6
>CSC Workshop (1pm Tan Yan Kee AVR)
dec. 7
>oops! may magbebirthday, sino kaya yun?! haha! :D
>Adver brief and jingle!
>PETA Volunteer til dec. 9

full kasi ang sked, kaya hell week sya for me. make me happy, please. Lord, more time please. dahil malapit na ang christmas, balak kong mag-add ng wish list ko. sana. pag sinipag ako. haha!!

drained.

2 comments



11.09.2007

getting what i want is not what i need

minsan, hindi tama na lahat ng gusto natin yun ang nasusunod. hindi tayo matuto kung palaging ganun na lang ang nangyayari. kung nakukuha ko lahat ng roles na gusto ko sa mga produksyon ng AA, magpupursige pa ba akong gumaling pa para maabot ang aking mga pangarap na roles?? kung nakuha ko ang desired average ko ngayon at hindi nakuntento sa pagiging DL lang, sasaya ba ko?? kahit na ang goal ko lang ngayong sem ay maging DL?? one thing leads to another, sabi ng iba, pero anu naman ngayon sakin kung ganun??

0 comments



10.22.2007

the whole 48 hours

haay sembreak na..wait mali ata yun..
WOOHOO!! SEMBREAK NA!! YEY ME!!
haha..

hindi naman ako magkukwento ng mga stuff about sembreak..yung nangyari lang sakin from yesterday up to now..here goes..

DON'T RAIN ON OUR PARADE!!
matagal ko nang sinabi, magulo talaga ang pulitika dito sa lugar namin. madumi! anyway,wala naman talaga akong paki sa pulitika before, pero madami ng kumukulit saking tumakbo ng SK noon pa man, buti na lang over-age na ko ngaung election! pero para na din hindi masabihan ng masama, bukal na loob naman akong tumulong sa kampanya ng incumbent baranggay chairwoman namin at ng kapitbahay kong kagawad [magka-party sila] well, ang aga ko pang gumising para lang dun, 6:30am para sa parade nila. sosyal! ayun, andumi talaga mamulitika ng mga kalaban. sa liit ng baranggay namin, hindi pa nila inisip na humiwalay na lang. walang ginawa ang mga kalaban kundi sundan ang aming kampanya. big bummer talaga! anyway, haay talaga sa isang bumaliktad na SK before. actually, ang kalabang party kasi halos lahat bumaliktad, galing sila halos sa party ng baranggay chair namin, pero dahil straight as an arrow itong si kapitana, madaming tumiwalag sa pagkahigpit niya. well, same thing dun sa SK chairman niya before. akala kasi ata ng mga tao tumatakbo akong SK dahil naka-yellow ako, sorry naman! i was not informed na yellow pala ang suot ng mga kandidato. dahil magkatunog ang name ni SK at ni kagawad na i was campaigning, the people thought na i was campaigning for her, si SK, which i'm not. sabi pa ng isang botante,"sino ba yan? si Greta??" at hayun, hindi ko na na-korek. nag-yell na syang,"GRETA INGRATA!" at talaga naman diba?! newei, bumenta naman ako, very ma-PR talaga nung time na yun. haha! :D

"SUNOG! SUNOG!"
eto namang susunod na story, about, well, sa sunog. dahil after ng campaign i went home, sleep and do golda's projects, till gabi. fortunately talaga! while i was concentrating sa sibika project ni golda, bigla na lang may nagsisigaw na, "MAJOR! MAJOR!" nabwisit pa ko. tingin sa oras. sa isip ko, "11pm na, leche naman!" well, akala ko talaga may lasing lang o something na nagwawarla at naisip ni Mang Esong na tawagin si papa [they call them Major here dahil nga major ang rank niya] ayun, e di tinawag ko si Pa, nataranta lang ako nung sinundan ni Mang Esong yung "MAJOR! MAJOR!" niya ng, "SUNOG! SUNOG!" pucha! walang anu-anu, tingin sa bintana, shocks! sunog not far from here! as in two houses away from us! first time tong nangyari sa village namin, first time kong makakaranas ng tunay rush at first time kong natakot dahil sa sunog! buti alert si ma, sabi niya, "Fortune, dali, tumawag ka ng bumbero" tapos inalert na niya yung mga kapatid ko,"Lahat ng papeles at importante ilagay sa sako" So, ako dial ng lahat ng bumbero na malapit samin! pucha talaga! Wala ng pepetix pa sa bumbero ng lugar namin! Grabe! andaming details na kailangan! Naguubos na ng bahay yung sunog, sobrang delayed na nila! After nun, sumama na ko sa paghahakot ng papers, for the first time, dun ko narealize ang importance ng education,"Shit! Diplomas ko!" yan ang nasabi ko! mula pre-school diploma ko kinuha ko. hindi ko din alam ang iba pang kinuha, madaming bank slips at nalungkot ako dahil hindi ko madala yung Harry Potter Collection namin, pinaiwan ni ma,"mabibigat yan, yung importante lang" at that point nakaramdam ako ng lost and sadness. so, ayun na, nagtext na yung besfren ko,"forch may sunog daw?" sabi ko pa,"Shit! oo,nga, sa likod lang ng bahay nila yun!" tawag ako sa bahay nila sa amparo, umalis na daw! text na lang,"Tin, dalian niyo, nadali na yung likod ng bahay niyo!" sobrang taas ng emosyon ko nung time na yun. thankful ako sa mga youth namin na sobrang tumulong sa pagtupok ng apoy. haay, after 6 sacks, natapos na ang paghahakot namin, tapos na din ang apoy, may dumating na bumbero na sobrang layo pa dito, nauna pa sila kaysa dun sa mga malalapit, pati yung chinese fire volunteers, nauna din. haay,nawalan ng kuryente sa malapit dun, nadali na din ng apoy, pero humupa na ang emosyon ko, pati ang sa mga tao. nakitawag si bayaning bumbero, [matagal ko ng sinasabi na idol ko talaga ang mga bumbero!] ayoko ng maka-experience nun ulit, maitim na maitim na usok, halos lahat pa naman kaming magkakapatid may hika. sobrang takot talaga ang nadama ko. naawa din ako dun sa nasunugan, naghihikahos pa man din sila, in fact, galing sa kandila yung sunog, kandila dahil wala na silang kuryente.

AFTERMATH: GOOD MORNING!!
pagkagising, nag-iisip pa ko kung totoo bang nangyari ang lahat ng 'to. aakalain mo kasing panaginip dahil nga sobrang surreal. tapos narealize ko na nagising ako sa tunog ng cellphone ko. nagtext si love, sabi niya, "love, nakuha ko na grades natin" naexcite ako, tapos nalungkot, dahil goal ko talagang mag-DL, mula sa computations ko, hindi na posible yun. "ok, anu?" reply ko kay love. sabi niya, "sabihin ko pagnagkausap na tayo" badtrip! bitin! text ako agad, "tawag ka.." "KRIIIIIIIIIING! KRIIIIIIIIIIIIIIIING!", "hello, love?! anu na dali" ayun bigay naman siya ng grades ko, masaya ako dahil sa expected kong grades kay Sir Niel ay 3.0, nashock ako sa 2.25 na sabi ni jon. totoo ba ito?? wala akong grades below 2.25. dahil sa habit ko ng i-average ang grades ko dahil nga sa scholarships ko, ayun compute, compute. walang effect, until i double check. shocks! is this true?! 1.718something,something?? "O, MY, GAH!" DL pala ako. natupad ko na ang promise ko. yey me!

as of now, kakacheck ko lang ng grades ko online. yey me! tama ang computation ko.
ok na ko dun! :D Thank You, Lord! :D

0 comments



10.04.2007

randomness

i just have to blog about something today because i feel like i'm sooo full of thoughts, secrets, emotions and all others.

first of, the CATV awards.
i really don't want to talk about it. i respect ate sam as far as the CATV awards is concerned.

next, the gentleman in the elevator.
this happened last week. i was busy searching and photocopying a lot of stuff from the central library. i go up and down the elevator to the point that i got so dizzy i feel like i'm gonna throw up. well, my story doesn't involve vomit mess so don't get disgusted. anyway, from one of my elevator ride, i was inside the elevator with this civil law guy. in our busy life nowadays, do we even stop to stay thanks to someone who had done us good? well, this guy did. i was super focused on the task at hand but this certain stranger made me stop and smile. on his way out the elevator, he stopped and acknowledged the elevator lady and said thanks. its not too much of a deal but well, it was post-worthy for me. i was amazed actually. mesmerized by the act of kindness and gratitude that he showed. it's funny how strangers can make a differrence in your day. early that day i remember i was actually in a bad mood, but that gentleman made my day! :D

next, the past.
right now, i just have to let the words and thoughts come out. earlier, i am so ashamed to admit that i am, again, dwelling on the past. this time, its not my past, but his. i don't know why i did it, but i just did. i yahooed and googled the girl and i don't know what stimulated it. and i was driven to find so much about the girl that when there was zero results i tried so many other ways (ways that i'm not gonna say), i was just so pissed. its just so low. why did i have to do it? i'm such a loser. people who dwell too much on the past cannot and will never be happy, that's what they say, and look what it brought me, jealousy, contempt, sadness and for some reason loss. haay..until now, i haven't found "her".

another thing, my fear.
here we go again. since our first major production is done, we're now moving on to the season's first minor production. and i am again thinking too much about acting on-stage. i'm scared. i remember ate madz's words "secret lang ah, pero takot na talaga ako umarte eh". did the same thing happened to me? i lost my passion but did i also lose my love for acting? again, i'm afraid of what people might say about me.

well, that's it. anyway, i'm just excited that this semester is coming to a close. i hope all goes well. as for him, he's just too much this sem that i hope, and i know my block is hoping it too, that he will never be assigned to teach us.

one last thing..
HAPPY ONE YEAR AND ONE MONTH, LOVE!! :D

i have to do something with this blog. its getting old. ciao.

0 comments



9.18.2007

ito na siguro ang isa sa pinakamadamdamin kong blogpost

ok..eto na..pipiliin kong magsabi sa salitang mas maiintindihan ng mga taong pumapaligid sakin..

ngayon ko lang naramdaman at ngayon ko lang naintindihan ang lahat. matagal ko na ngang iniisip kong ano ba talaga itong nararamdaman ko. nagsimula ito, opening of classes pa lang. sa AA, auditions..masaya, okay naman. pero pinili kong hindi makisalamuha sa mga apprentices dahil ayokong mabansagan na feeling close at nais ko din iestablish na dapat din akong respetuhin ng mga apprentices dahil junior na ko. pero sa ginawa kong iyon mas napalayo lang ako sa mga bata and worse sa AA. sa mga hindi nakakaalam, lie-low talaga ako. "is there such a thing?" tanong sakin ni kuya jhei nung auditions, napagtanto ko ngayon na meron nga ba talagang ganun?? dun na siguro nagsimula ang pagtatanong ko sa sarili ko. ginawa ko nga lang bang excuse ang mga pinagdadaanan ng pamilya ko?? o, unti-unti na ba akong kumakawala sa organisasyong minahal ko. ilang beses na bang napag-usapan ang pagdalaw ng pagki-quit sa isip ng mga tao. secret joke namin ni kuya xi yun dati na every major production pinagkiquit ako, ngayon na hindi nangyayari yun, ako ba ang gumagawa ng paraan para mangyari yun. nagsimula kung kwestyunin ang sarili ko nung hindi ako pumasa sa auditions ng agnoia. madrama yun. pero alam ko na pagkatapos kong mag-auditions, na walang bagay na role sakin. pero kinwestyon ko pa din ang sarili ko. pati ang pagtitiwala ni kuya john sakin. dati kasi nung para, nanliliit ako kay kuya json, alam kong ang iniexpect niyang SM ay yung parang si jon, na alam kong hindi ko magagawang pantayan. dalawang beses ko na ring kinwestyon ang talento ko sa pag-arte dahil kay kuya json, una nung ako ay si belen, pangalawa nung hindi ako umarte sa play niya sa para. kaya nga ang laking pasasalamat ko kay kuya john, sabi ko, may naka-appreciate na din ng pag-arte ko. yun ang first lead role ko, sabi ko pa nun, after ng para pwede na kong mamatay dahil nagka-lead role na ko. tapos dumating yung agnoia, si kuya john yung direktor, akala ko kahit alam kong walang bagay na role sakin, pipiliin niya ko dahil naniniwala siya sa pag-arte ko, pero nagkamali ako, hindi parin pala ako ganun katalentado gaya ng inakala ko. umiyak ako. kinwestyon ang sarili. yung ang madalas kong ginagawa kapag hindi ako pumapasa sa auditions, gaya nung encadre at ngayong agnoia. pilitin ko mang i-divert yung frustations ko sa trabaho, sa isip ko, ang dinadamdam ko lang talaga ay ang hindi pag-arte. kung tutuusin may ipagmamalaki naman ako tuwing hindi ako umaarte, maganda naman ang costume na naproduce ng costume team nung encadre, ngayong agnoia naman, ang solicitations ay may maipagmamalaki. pero hindi naman kasi yun yun. gaya ni ate nikki, gusto ko ang AA dahil sa AA ako umaarte. simple lang ang pangarap ko sa AA, umarte. hindi ako kailanman naghangad ng posisyon dito. tinanggihan ko nga ang pagnominate sakin as PRO before diba?? hindi ko rin hinangad mag-shine sa iba't-ibang aspect na binibigay sakin basta sakin nagawa ko ang trabaho ko. hindi ko hinangad ang prestige ng pagiging direktor, playwright, at pm gaya ng ilan sa batch ko. kahit sila naman kadalasan ang nalalagay sa posters at tarps ayus lang sakin, dahil gusto ko lang talaga umarte. pumasok sa ibang mundo. tumayo sa entablado. masilaw sa sinag ng mga ilaw. gaya nga sabi ko sa kada, kay ate nikki, marlon at kuya fhadz, yun na nga lang ang maipagmamalaki kong kontribusyon sa batch, mediocre pa ko sa aspetong yun. ngayon, hindi ko alam kung nirarason ko lang ba yun this few months past o unti-unti na ba akong humihiwalay sa AA. naalala ko yung sinabi ni kuya diego dati na ikinainis ko. sabi niya "darating na yung time na ikaw na din sa sarili mu, mas pipiliin mu nang hindi sumama sa AA, hindi lang AA ang buhay mu". sabi ko naman, "sayo pa po talaga nanggaling yan, kilala pa po naman ang buddy mung si ate jade na never naisip mag-quit". sabi nya, "iba iba ang tao." ngayon, naisip ko, narating ko na ba ang point na sinasabi ni kuya diego?? namimiss ko ang mga tao sa AA, pag-hang-out kasama sila kuya xi, aminado ako dun. pero sa AA mismo, anu?? nawala na ba ang passion ko?? o pagod lang talaga ako sa acads ko. naalala ko ang sinabi ni daddy roi sa recollection ng AA dati, hindi daw rason ang acads dahil nga dati habang rehearsals, nakikita niya sila ate munch na ginagawa nag assignments nila, nag-agree naman ako. ngayon, nag-lie-low ako sa AA, may nangyari ba?? ganun pa din ako sa acads ko, wala namang nagbago. ngayon, saan na nga ba ako patungo?? saan ang lugar ko sa AA?? sabi nga, "love AA and it will love you back." sina ate barbie madalas kong naririnig na nagsasabi niyan. minahal ko naman ang AA eh, minahal din niya ko, pansamantala, dahil ngayon, alam kong hindi ako deserving sa pagmamahal niya. hindi ko pa rin ma-explain ang sarili ko. pagod na pagod na ko, physically, bumibitaw na ang katawan ko, emotionally, exhausted na ko, hindi lang sa AA, sa buhay ko. sabi ko nga kay jon kanina, " gusto ko lang huminto yung mundo kahit dalawang araw o isang linggo lang, para lang itulog ko ang lahat ng kulang kong tulog mula nag-college ako." hindi naman talaga ganun kahirap ang pagiging AB student eh, masyado ko lang pinapagod ang sarili ko. dati nga na-alarm ako sa dami ng nalalagas na buhok ko, naalala ko yung sabi ni myx, "an average person loses 70 hairstrands a day, wag kang ma-alarm hanggat hindi yan lumagpas ng 70." sinaloob ko na lang na feeling ko more than 70 na ang sakin. nakakapagod mag-3rd year actually, hindi dahil aral ng aral. pero dahil sa shoot sa tv prod, papers sa sociocomm, projects galore sa lahat ng subjects. sa lj nga ni hitomi, nandun yung growing list namin ng gagawin, panu ko mapagkakasya ang 2 weeks sa dami ng gagawin?? hinihiling ko na lang na matapos na ang sem na to. ginive up ko na nga din ang promise ko kay loreto na mag-d-DL ako eh. sa lagay ko ngayon, marahil, imposible na, but i still have high hopes. pero ayoko na lang ulit biguin ang sarili ko. pinagmamalaki ko pa dati na dapat hindi mu masyadong tinataasan ang standards mu sa sarili mu dahil ikaw din ang madidisappoint, and now, look where it got me, nowhere. naging okay na ko sa pagiging mediocre, average, hindi ko na hinangad ang rurok ng tagumpay, nasaan na ko ngayon?? hindi ko din alam actually. unti-unti na nga akong nawawala sa AA. alam kong kasalanan ko din. pero yun nga simple lang ang rason ko, i lost my passion. yun naman talaga yun. hindi lang pala ito simpleng tampo dahil hindi ako pinaarte, malaking parte pala ng buhay ko ito. nakakahiya. proud pa naman ako nung simula dahil nagawa ko ang initial task ng isang buddy, dapat mapa-stay mu ang buddy mu sa AA. kung binabasa kaya to ng buddy ko ngayon, anu kayang sasabihin niya?? ikakahiya niya ba ako?? panu naman si buddy sendang, anung sasabihin niya after niya kong pagtyagaang hikayatin na wag mag-quit sa AA, at eto ako ngayon. sabi nga nila jmee, bakit ba importante sayo ang iniisip ng ibang tao, dapat at hindi maiiwasan minsan kailangan din nating maging mayabang. kasi kung hindi, tayo din masasaktan. sabi ko kasi nag-mamatter ang opinyon sakin ng mga direktor, si ate mina, si kuya json, si jon, si ate jade, si ate jei. si ate jei nga sa third year ko na ito, never pa kong nakitang umarte, maliban na lang dun sa baraha, panu nya ko mascocommentan sa pag-arte?? and anung batayan ng mga tao nung sabihin nila na sinabihan ako ni ate mina, kuya json at ate jade na magaling, gusto ko kasing marinig sa sarili kong tenga. i'm not saying na hindi ko pinapahalagahan ang mga opinyon ng hindi direktor, pero iba kasi pag-direktor ang nagsabi. naappreciate ko ang magagandang sinasabi nila kuya steeve, kuya ej, ate nikki, kuya fhadz, ate sam, kada, sa katunayan nga, sila ang nagboboost sakin. pero pagod na kong ma-stereotype na pa-sweet roles lang ang kaya ko. bakit hindi ba ko pwedeng maging iba?? kahit nga si jon, pasweet pa din ang role na inoffer sakin for TLP eh. kelan ako magiging versatile?? pagka-graduate ko?? anu na lang ba ako sa AA?? anung worth ko?? san ako patungo?? bakit hindi ko kayang mahilera sa mga magagaling na artista tulad ni ate dewi, ate munch, ate nikki, ate kay?? given na magaling sila. gusto ko lang naman na kung may tatanggalin man, kung may pagpipilian man, ako yung unang maiisip ng direktor na wag tanggalin. pero third year na ko hindi ko pa din yun nararating. yun na nga lang ang tanging hawak ko sa AA. lagi ko na lang bang icocompare ang sarili ko sa lower batch na magaling umarte, tulad ni apol at fefe?? dapat diba mas magaling na ko dahil matagal na ko dito eh. anung ginawa ko for the past three years na wala mang lang atang pagbabagong nangyari?? ilang apol at fefe pa ang darating at pagseselosan ko?? pagod na ko.

kelan ko makikita ang halaga ko?? ang galing ko?? kelan ko madidiskubre ang talento ko kung meron man?? kelan ako sasabihan na magaling umarte?? mangyayari pa ba ang mga ito??

sa mga nakabasa, nasaktan ko man kayo sa blogpost na ito, sorry pero yun kasi ang nararamdaman ko. one time, big time lang ito. nakakahiya man, pero oo, ito ang mga tunay kung nararamdaman, husgahan niyo man ako, wala na kong magagawa dahil yun ang nadama ko.

kuya xi, ito ata ang naging dahilan kaya ako namumutla at nangangayat. stressing over nothing is stressful, indeed. sorry for worrying you. thank you po sa concern.

0 comments



9.05.2007

one whole year

the date was, September 4, 2006.
the place, Humanities section, UST Central Library.

one year na ang lumipas ni hindi ko man lang namalayan.

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
till death do us part.. i know, its the pa-sweetest thing ever, but who cares?!

i'm overjoyed.

0 comments



8.31.2007

i'm tired

i'm tired of being average.

2 comments